No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pulis Bulacan, handa na para sa halalan

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- 1,468 kapulisan ang naka-deploy na sa iba’t ibang polling centers sa Bulacan para sa Halalan sa Lunes.
 
Ang pagtatalaga sa mga pulis ay upang protektahan at tiyakin ang integridad ng gananapin pambansang halalan.
 
Ayon kay Acting Police Provincial Director PCol. Charlie Cabradilla, isang linggo pa bago ang halalan nasa “full alert” status na ang buong kapulisan sa lalawigan.
 
Handa na rin ang Provincial Election Monitoring Action Center na nasa loob ng nasabing kampo upang mag-monitor ng mga local election security activities sa bawat bayan, lungsod at barangay sakop ng lalawigan.
 
Hindi anya magluluwag ang kapulisan sa pagbabantay upang maiwasan ang anumang lokal na banta o iba pang kriminal na elemento na magkaroon ng pagkakataon makalamang at hinihikayat ang buong kapulisan na maging proactive at committed na matamo ang isang malinis, tahimik at mapayapang eleksyon. (CLJD/VFC-PIA 3)

About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch