No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

COMELEC NE, may mensahe sa lahat ng mga kandidato

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) -- Nagpaalala ang Commission on Elections o COMELEC sa lahat ng mga kumakandidato ngayong halalan.
 
Ayon kay Provincial Election Supervisor Fernando Cot-om, manatiling kalmado sa lahat ng oras at kung may problema ay iwasang idaan sa init ng ulo o sa dahas.
 
Aniya, bilang mga kandidato na naghahangad na maging public servants ay walang dahilan na kayo ay gumamit ng dahas. 
 
Pahayag ni Cot-om dalawang oras bago matapos ang halalan ay nananatiling mapayapa ang kalagayan ng buong Nueva Ecija sa pagdaraos ng National and Local Elections 2022 na hangad magtuloy-tuloy hanggang sa matapos ang proseso ng halalan.
 
Aniya, tumakbo o nag-function ang lahat ng mga voting precincts sa lalawigan bagamat may ilang reported cases na nasira ang mga Vote Counting Machines ay agad namang naisaayos at may ilang pinalitan ng reserba batay sa abiso ng COMELEC Main Office. 
 
Hiniling naman ng Provincial Joint Security Control Center sa pamamagitan ng rekomendasyon na itungtong na sa orange category o Election Areas of Immediate Concern ang bayan ng General Tinio na naunang idineklarang nasa yellow category na pagdedesisyunan ng Commission En Banc. 
 
Ito ay matapos ang nangyaring shooting incident sa pagitan ng mga Civilian Security Personnel nina General Tinio incumbent Mayor Isidro Pajarillaga at Mayoralty Candidate Virgilio Bote na nagresulta sa pagkakaaresto ng 24 na indibidwal kabilang ang limang sugatan na agad isinugod sa Nueva Ecija Medical Center.
 
Sa naganap na insidente ay nakumpiska ang mga armas tulad ng limang M16 rifles, 12 caliber .45 pistols, tatlong 9mm pistols, isang caliber .40 pistol, at dalawang 12-gauge shotguns.
 
Mayroon pang narekober na 71 cal 5.56 live ammos, 138 cal .45 live ammos, 41 cal 9mm live ammos, 12 cal .40 live ammos, 8 shotgun live ammos, 6 magazines for m16 rifle, 26 magazines for pistols, and 8 holsters, 20 cellular phones at 3 handheld radios. 
 
Samantala, nag-convene na kaninang ala-una ng hapon ang Provincial Board of Canvassers para sa inisyal na pagsasaayos ng mga kagamitan para sa transmission ng mga boto mula sa mga munisipyo at siyudad. (CLJD/CCN-PIA 3) 
 

  Si Nueva Ecija Provincial Election Supervisor Atty. Fernando Cot-om. (Camille Nagaño/PIA 3)  

About the Author

Camille Nagaño

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch