No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ika-9 Palay Festival, ipinagdiwang sa Nueva Ecija

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) -- Iba’t ibang aktibidad at mga patimpalak ang itinampok sa ika-siyam na Palay Festival sa bayan ng Rizal sa Nueva Ecija.
 
Ayon kay Mayor Trina Andres, ito ang unang beses na muling magkaroon ng ganitong selebrasyon sa munisipalidad simula nang magka-pandemya. 
 
Noong pagdiriwang ng ika-pitong Palay Festival ay itinaon ang pagbibigay ng ayuda samantalang nitong nakaraang taon naman ay online o virtual ang naging paraan ng selebrasyon.
 
Ang pahayag ng alkalde, ang pagdiriwang ngayong taon ay regalo upang muling magkita-kita at magsaya, na sa pamamagitan ng simpleng selebrasyon ay maipakikita ng buong bayan ng Rizal ang patuloy na pagbangon at pagiging masaya sa kabila ng mga karanasan sa COVID-19 at pulitika.
 
Aniya, ang mahalaga ay magkakasama at pare-pareho ang layuning magbigay suporta at pagmamahal sa bayan dala ang simbolo ng maraming Rizaleño na patuloy kumikinang kahit maraming dalahin sa buhay. 
Kabilang sa mga itinampok na mga programa ay ang Interfaith Thanksgiving, Trade Fair, Lutuing Kakanin o Rice Based Delicacies Cooking Contest, Sipat Mobile Photography Contest, Tawag ng Tanghalan Singing Contest at Makabagong Sayaw ng Lahi Modern Dance Contest.
 
Hindi naman mawawala ang Street Parade, Float Parade, Street Dance, Music Festival, Blacklight Run at fireworks display. (CLJD/CCN-PIA 3)

Iba’t ibang aktibidad at mga patimpalak ang itinampok sa ika-siyam na Palay Festival sa bayan ng Rizal sa Nueva Ecija. (Mayor Trina Andres)

About the Author

Camille Nagaño

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch