No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Stunting sa mga bata sa Cordillera, bumababa

BAGUIO CITY (PIA) -- Bumababa ang stunting rate o pagkabansot ng mga batang edad lima pababa sa Cordillera mula 2019 hanggang 2021 batay sa 2021 Operation Timbang Plus (OPT Plus) result.
 
Nakapagtala ang rehiyon ng stunting prevalence rate na 8.58% batay sa naturang datos.
 
Patuloy ang pagbaba ng stunting prevalence sa Benguet, Ifugao, Kalinga, at Baguio City. May 12 din na bayan ang Abra na consistent ang pagbaba ng stunting prevalence, isa sa Apayao, at tatlo sa Mountain Province.

LGUs na may consistent decrease ng stunting prevalence sa mga batang edad lima pababa sa nakaraang tatlong taon batay sa 2021 batay sa 2021 Operation Timbang Plus (OPT Plus) result. (Source: Regional Nutrition Committee)

May mga LGUs din sa rehiyon na nakapagtala ng mababa sa 10% na stunting prevalence kabilang na ang apat sa Abra, tatlo sa Apayao, tig-sampu sa Benguet at Ifugao, dalawa sa Mountain Province, at ang Baguio City.

LGUs na may less than 10% stunting prevalence sa mga batang edad lima pababa noong 2021 batay sa Operation Timbang Plus (OPT Plus) result. (Source: Regional Nutrition Committee)
LGUs na may less than 10% stunting prevalence sa mga batang edad lima pababa noong 2021 batay sa Operation Timbang Plus (OPT Plus) result. (Source: Regional Nutrition Committee)

Inaprubahan naman ng kinauukulang komite ang paggawad ng pagkilala sa mga lokal na pamahalaan na makapagpapanatili ng pababang stunting prevalence maging ang mga mababa sa 10% ang prevalence.
 
"Isama natin sana sila dun sa Regional Nutrition Awarding Ceremony since this will also motivate the LGUs to look into the stunting prevalence in their respective areas and provide interventions para hindi lalong tumaas ang stunting prevalence nila," pahayag ni National Nutrition Council - Cordillera Nutrition Officer Bella Basalong Basalong.
 
Gayunman, nananatiling mataas ang stunting prevalence sa Abra na nakapagtala ng 16.95%, na sinundan ng Mountain Province sa 15.72% at ikatlo ang Apayao sa 13.28%. Kabilang sa Top 10 municipalities sa Cordillera na may mataas na prevalence ng stunting ang Boliney, Lacub, Tineg, Licuan-baay, Malibcong, Lagayan at Villaviciosa sa Abra; Paracelis, Sadanga, at Besao sa Mountain Province; at ang Flora sa Apayao.

(Source: Regional Nutrition Committee)

Lumabas din sa pag-aaral na malaki ang pagtaas ng stunting rate mula six months hanggang 23 months old na mga bata.
 
"Ina-advocate natin sa LGUs na ito sana 'yung focus natin, 'yung first 1,000 days of life para hindi ganito ka-steep 'yung pag-increase ng stunting in these age group," saad ni Basalong.
 
Ang stunting aniya ang ginagamit na basehan ng nutrition situation sa bansa dahil isa itong chronic form ng malnutrition na maaaring magsimula sa pagbubuntis at may epekto sa physical at mental development ng mga bata. (DEG)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch