No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Chikiting Bakunation Days, isinagawa sa Batangas City

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) — Nakiisa ang Batangas City Health Office (CHO) sa isinagawang malawakang bakunahan ng Department of Health (DOH) para sa mga bata noong ika-26 hanggang 27 ng Mayo 2022.

Ang naturang aktibidad na tinaguriang “Chikiting Bakunation Days” ay layong mabakunahan ang mga batang edad 2-taong gulang pababa laban sa mga sakit tulad ng hepatitis B, polio, measles, mumps at rubella.

Ilan sa mga bakunang ipinagkaloob ay BCG vaccine, Pentavalent Vaccine, Oral Polio Vaccine (OPV), Inactivated Polio Vaccine (IPV), Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV) at Measles Mumps Rubella Vaccine (MMR).

Target ng DOH na maturukan ng bakuna ang  mga bata na hindi nabakunahan sa kahalintulad na programa na isinagawa noong Pebrero.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang mga magulang sa naturang programa na malaki ang maitutulong para sa proteksyon ng kanilang mg anak laban sa iba’t-ibang uri ng sakit, bukod pa sa nakatipid sila dahil ito ay libreng ibinibigay at hindi na nila kailangang bumayad sa mga pribadong ospital o klinika upang mabigyang ng mga nabanggit na shots ang kanilang mga anak. — BPDC, PIA Batangas (may ulat mula sa PIO Batangas City)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch