No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Implementasyon ng mga nutrition program, susuriin

BAGUIO CITY (PIA) -- Nakatakdang isagawa ng Regional Nutrition Evaluation Committee (RNET) ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro sa mga local government units (LGUs) at Local Nutrition Focal Points (LNFPs) simula sa Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.
 
Layunin ng MELLPI Pro na subaybayan at suriin ang pagpapatupad ng mga LGUs ng mga local nutrition programs at ang performance ng mga LNFPs. Bukod dito ay upang matukoy ang mga development sa pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) sa local level.
 
Ayon kay Velanie Dao-ines, Nutrition Officer II ng National Nutrition Council - Cordillera, sa pamamagitan ng MELLPI Pro ay matutukoy din ang mga kailangan pang pagpapaunlad para sa PPAN.
 
"The result of the MELLPI Pro aims to guide ang ating mga policy and decision makers to enhance 'yung kanilang nutrition products, their services, and their delivery systems toward improved na effectiveness, efficiency, and sustainability ng ating nutrition program," ani Dao-ines.
 
Ang MELLPI Pro ay annual monitoring and evaluation mechanism ng PPAN. Isinasagawa ito ng NNC Governing Board, Regional/Provincial/Municipal at City Nutrition Committees bilang bahagi ng kanilang mandato.
 
Ang ibig sabihin naman ng PRO ay protocol, promotive, progressive, at professional na naglalarawan sa MELLPI.


"Itong MELLPI Pro, this will serve as the standard of nutrition program implementation in the country. Andito na lahat ng mga Provincial Nutrition Committees, city and barangay, dito sila nagbe-nase, doon sa documentation and of course, sa activities as well," paliwanag ni OIC Regional Nutrition Program Coordinator Bella Basalong. 

Nitong Hunyo 3 ay isinagawa ang MELLPI Pro orientation sa mga bumubuo sa RNET kung saan, inilahad sa kanila ang tool na gagamitin sa monitoring and evaluation sa mga nutrition programs ng mga LGUs at LNFPs.


Pagkatapos ng monitoring and evaluation ay target ng ahensiya na isagawa sa huling linggo ng Oktubre ang Regional Nutrition Awarding Ceremony kung saan, pararangalan ang mga karapat-dapat mabigyan ng pagkilala. (JDP/DEGPIA CAR)

Virtual orientation para sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro nitong June 3, 2022.

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch