"One thing na maganda dito sa enforcement, na-identify na po natin, meron po tayong pyramid ng illegal drugs distribution. 'Yung mga high value individuals or targets, this are financiers, tagatustos sa mga sindikato, manufacturers or importers of illegal drugs, bigtime suppliers, distributors of illegal drugs, under dito ay 'yung supply chain, ang nakatutok dito ay ang PDEA at PDEG ng PNP," ani Sembrano.
Sa Enactment of law, itinalaga na umano ang legal service upang aralin ang mga posibleng pagbabago sa batas kaugnay sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Iginiit naman ng opisyal na ang laban sa ilegal na droga ay responsibilidad ng bawat isa.
"Maganda po ang samahan ng PDEA at ng PNP. 'Yung effort ng PNP, mutually complementing 'yung effort ng PDEA. All the stakeholders, all the government agencies, at the whole community, meron pong inherent responsibility ang lahat even 'tong mga religious groups, kailangan po nilang makialam," pahayag ng opisyal.
Kinakailangan din aniya ang good governance lalo na sa mga namumuno upang matulungan at mapaunlad ang pamumuhay ng mga mamamayan kung saan, maiiiwas ang mga ito sa pagkalulong sa ilegal na droga. (JDP/DEG-PIA CAR)