No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 1,000 Kapampangan, nakinabang sa medical mission ng Kapitolyo 

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) -- Mahigit isang libong Kapampangan ang nakinabang sa medical mission na inorganisa ng pamahalaang panlalawigan. 
 
Layunin ng aktibidad na maghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga mahihirap na Kapampangan tulad ng konsultasyon at mga gamot, gayundin ang referral para sa libreng operasyon sa mga pampubliko at pribadong ospital kung kinakailangan.
 
Ayon kay Bise Gobernador Lilia Pineda, hangad nila na hanapin at gamutin ang lahat ng may sakit na Kapampangan, lalo na yung mga lumala ang kondisyon sanhi ng pandemya. 
 
Ani Pineda, sasagutin ng pamahalaang panlalawigan ang pagapapagamot ng mga pasyente sa pamamagitan ng mga guarantee letter at pakikipagtulungan sa Philippine Health Insurance Corporation, Department of Social Welfare and Development, Philippine Amusement and Gaming Corporation, at tanggapan ng ilang Senador.
 
Samantala, hinikayat din niya ang lahat ng Kapampangan na lumahok sa mga susunod na medical mission ng pamahalaang panlalawigan dahil nilalayon nitong ilapit ang mga programa at serbisyo nito sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan.
 
Apela niya sa mga ito na samantalahin ang ganitong mga programa dahil libre ito. 
 
Dagdag niya, ginagawa ito ng Kapitolyo upang masiguro na magiging malusog ang lahat ng mga Kapampangan. 
 
Katuwang ng Kapitolyo sa naturang medical mission ang 50 doktor mula sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital, mga rural health unit, mga district hospital, at mga pribadong ospital.
 
Kasama din ang daan-daang mga nar at iba pang mga medikal na propesyonal. (CLJD/MJSC-PIA 3)
 

  Kinumusta ni Bise Gobernador Lilia Pineda (nakaputi) ang ilan sa mga benepisyaryo ng medical mission na isinagawa ng Kapitolyo upang tiyakin ang kalusugan ng mga Kapampangan. (Pampanga PIO) 

About the Author

Marie Joy Carbungco

Editor

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch