No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga paghahanda ng bagong alklade ng San Narciso, ibinahagi

SAN NARCISO, Zambales (PIA) -- Ibinahagi ni Mayor-elect La Rainne Abad-Sarmiento ang kanyang mga paghahanda sa nalalapit na pagbabalik bilang alkalde ng San Narciso, Zambales.
 
Sa isang panayam, sinabi ni Sarmiento na sinimulan na niyang makipagpulong sa mga pinuno ng iba’t ibang opisina ng pamahalaang bayan.
 
Kanya na din sinusuri ang aplikasyon ng mga nais maging bahagi ng kanyang tanggapan.
 
Hangad niya rin na kumunsulta sa iba’t ibang sektor partikular ang mga magsasaka, mangingisda, tindero, tricycle driver at operator, at mga punong barangay upang malaman ang kanilang mga pangangailagan.
 
Ibinahagi rin ni Sarmiento ang kanyang mga nakalinyang programa na nais niyang isulong para sa ikabubuti ng bayan.
 
Sa usaping pangkalusugan, nais niyang maipagawa ang extension ng health center upang ito ay makapagbigay ng mas magandang serbisyong medikal partikular sa mga sanggol at senior citizen.
 
Bukod pa rito ay mas papaigtingin pa aniya ang information campaign patungkol sa COVID-19 upang mapanatili ang mababang kaso.
 
Kanya ring ikinokonsidera ang pagbili ng ambulansya, pagdadagdag ng mga nars, contact tracers at iba pang frontline medical worker ganun na din ang paghahanda sa mga quarantine facilities at mga ayudang maaaring ibigay sa mga maapektuhan.
 
Tiniyak naman ni Sarmiento na handa ang mga kaguruan at nakaagapay ang lokal na pamahaalaan sa mga mga paaralan para sa muling pagpapatupad ng face-to-face classes.
 
Ilan pa sa mga programang kanyang nais tutukan at ipagpapatuloy ay ang tax education campaign sa local taxes, pagbabawas ng paggamit ng single-used plastics, pagkakaroon ng archives at document keeping room, pagsasaaayos ng iba’t-ibang imprastraktura, at pagkakaloob ng iba’t-ibang pagsasanay sa mga empleyado.
 
Magpapatuloy rin aniya ang mga cultural activities gaya ng tumba-tumba tuwing Pista ng Patay at contest ng mga Parol at Christmas Tree. (CLJD/RGP-PIA 3)

Si San Narciso, Zambales Mayor-Elect La Rainne Abad-Sarmiento. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch