No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Duterte Legacy Caravan sa barangay Anurturu sa Rizal natulungan ang higit 70 pamilya

RIZAL, Cagayan (PIA) - -Hindi balakid sa kapulisan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang layo ng barangay Anurturu sa bayang ito maihatid lamang sa mga residente ang tulong sa ilalim ng Duterte Legacy Caravan.

Katuwang ang ibat-ibang sangay ng pamahalaan at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, nagtungo ang CPPO sa naturang barangay nitong Hunyo 10 kung saan higit 70 pamilya ang nabenepisyuhan ng naturang aktibidad.

Ang barangay Anurturu ay isa sa mga 'priority barangays' sa ilalim ng programang 'Whole-Of-Nation Approach' ng pamahalaan dahil apekatado ito ng insurhensiya. Isa rin ito sa mga benepisyaryo ng Support to Barangay Development Program kung saan 20 milyong piso ang nailaang pondo para sa pagpapagawa ng konkretong daan na magdudugtong sa mga karatig nitong barangay sa mga bayan ng Rizal at Sto.Niño.

Masayang tinanggap ng mga residente ng Anurturu, Rizal, Cagayan ang mga tulong na bigay ng iba't ibang ahenisya ng pamahalaan sa isinagawang Duterte Legacy Caravan nitong Hunyo 10. (Litrato ng CPPO)

Ilan lamang sa mga isinagawang aktibidad sa caravan ay feeding, libreng gupit, libreng tuli, medical mission, seedling dispersal, pamamahagi ng mga PORTASOL (ginagamit sa pagpapatuyo ng mga produktong pagkain upang matiyak na malinis ito), pamamahagi ng tsinelas para sa mga bata at pamamahagi ng food packs sa bawat pamilya.

Naging daan din ang naturang caravan upang maibahagi ng mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Agriculture, Philippine Health Insurance Corporation, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Science and Technology, Office of the Civil Defense, Department of Environment andNatural Resources, at ng Department of the Interior and Local Government ang kanilang iba't ibang programa at serbisyo.

Nakatanggap din ang bawat pamilya ng tig-limang kilong bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch