No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

ZamPen idineklarang insurgency-free, development-ready

PAGADIAN CITY, June 14 (PIA) - Idineklarang insurgency-free mula sa mga komunistang teroristang grupo at development ready ang buong rehiyon ng Zamboanga Peninsula matapos ang rekomendasyon ng Regional Task Force ELCAC sa naganap na pagpupulong sa 1st Infantry Tabak Division, sa bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur.

Pahayag ni Major General Generoso Ponio, commander ng Tabak Division, maipagpapatuloy lamang ang nasimulang mga hakbang kontra insurhensiya sa pagtutulungan ng nakararami at kung ito'y magiging prayoridad din ng susunod na administrasyon.

"Positive kami from the strategic level, operational level, tactical level, sustain tayo. On good governance, nakita niyo naman ang ating mga governor at mga mayor, tuloy-tuloy. Team talaga tayo. Ang buong government, lahat ng mga government agencies tulong-tulong para ito nga nagawa natin."

Anim sa pitong Guerilla Fronts na nag ooperate sa buong rehiyon ang nabuwag na ng mga kasundaluhan sa pagtutulungan din ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng whole-of-nation approach na ipinapatupad ng pamahalaan alinsunod sa Executive Order No. 70 ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, humihina na rin ang natitirang pwersa ng mga komunistang teroristang grupo.

Sa pagtatapos ng Administrasyong Duterte, positibo ang task force na naisagawa nito ang kautusan ng pangulo na tuluyang wakasan ang insurhensiya sa mga apektadong komunidad na karamihan ay kinabibilangan ng mga katutubong pilipino.

Nagpapasalamat naman si DSWD Secretary Rolando Bautista, Cabinet Officer For Regional Development and Security (CORDS)-9 sa lahat ng mga naging katuwang ng task force para magtagumpay ang layunin ng pamahalaan.

"As a whole, makikita mo talaga na na-attain ng RTF-ELCAC 9 ang kanilang mission as mandated sa sinasabi ng EO70."

Samantala, naniniwala naman si Zamboanga del Sur Governor Victor Yu na magiging hamon ng susunod na administrasyon ang pagpapatuloy ng mga nasimulang hakbang para sa pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

"We have to encourage LGU participation. Kasi sa LGU, kasama iyong barangay, municipality at province. Kung magtulung-tulong tayong lahat, we see the result in the span of three years." (RVC/EDT/PIA-Zamboanga del Norte)

About the Author

Emmanuel Taghoy

Regional Editor

Region 9

Emmanuel Dalman Taghoy is the Information Center Manager of the Zamboanga del Norte Information Center and Executive Assistant for Regional Operations of the Philippine Information Agency IX, the country’s chief information arm under the Office of the President. PIA’s expertise is development communication.

He is the Regional Editor of PIA-IX who also writes news and feature stories for the agency’s website and other social media platforms. He also reports for PTV news.

As the InfoCen Manager for Zamboanga del Norte, he represents PIA in inter-agency meetings and other activities, providing media coverage and other technical assistance to partner agencies.

Having been trained locally and abroad, he serves as lecturer on journalism, public and media relations, social media handling and promotion, among others.

Feedback / Comment

Get in touch