No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bike na puno ng prutas at gulay, handog ng Ballesteros PNP sa mag-inang katutubo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Hindi lang basta bisikleta na may side car o kulong-kulong ang regalo ng Ballesteros Municipal Police Station sa mag-inang katutubong Agta sa kanilang bayan kundi napuno rin ito ng mga prutas at gulay na maaari nilang ibenta bilang pampuhunan.

Hindi mailalarawan ang kasiyahan ng mag-inang katutubong Agta na ito matapos makatanggap nang maagang regalo mula sa Ballesteros PNP.

Ayon kay Police Major Marlou Del Castillo, hepe ng Ballesteros PNP, nabuo ang Project BIKE o “Bisikleta Ihandog sa Kapatid na aEta” nang maka-kwentuhan nito ang katutubo na si Marilyn Corpuz, 39-anyos ng barangay Centro East nang minsang itong napadaan sa kanilang himpilan.

Sa pakikipagusap ni Castillo sa ginang, napag-alaman nito kasama niya ang kanyang anak sa araw-araw sa pagbebenta ng mga gulay at prutas kung saan buhat-buhat nito sa kanyang ulo ang kanyang mga paninda.

Ang asawa ni Corpuz ay nakulong kaya sila na lang ng kanyang anak ang magkatuwang na naghahanap-buhay.

Bagama’t kumikita si Corpuz sa pagtitinda, humigit-kumulang P100 lamang kada araw ang kanilang kita, hindi sapat para matustusan ang araw-araw nilang pangangailangan. 

Dahil dito, makalipas ang dalawang linggo ay ipinatawag ng hepe ang mag-ina upang ibigay ang kanyang munting sorpresa na bike na may kulong-kulong na puno ng gulay at prutas.

Simula nang nailunsad ang Project BIKE, sinabi ni Castillo na mas naramdam nila ang respeto at naging mas malapit ang loob ng mga residente lalo na ng Aeta community sa kapulisan na araw-araw nilang naka-kakwentuhan sa ipinatayo nila “coffee corner” sa kanilang himpilan para sa mga bisita.

Sinabi pa nito na lalawakan pa niya ang pagbibigay ng tulong sa ilalim ng Project Bike at iba pang proyekto upang maiabot ang serbisyo ng pamahalaan sa mga kapus-palad at nangangailangan. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch