No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sahod ng mga kasambahay itinaas sa P5K

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Itinaas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng rehiyon dos sa limang libong piso kada buwan ang sahod ng mga kasambahay. 

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kabilang ang Lambak Cagayan sa pitong mga rehiyon sa bansa na nagbigay ng mataas na umento sa sahod para sa mga kasambahay.

Ang umento sa sahod ay ipinatupad ng Wage Board dahil  na rin na hirit na taas sahod ng mga manggagawa dahil narin sa patuloy na pagsirit ng mga presyo ng petrolyo, mga bilihin at serbisyo. 

Kasama ng rehiyon dos ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas at Central Visayas na pawang ini-angat sa hanggang limang libong piso ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa kani-kanilang mga lugar. 


Samantala, nasa labing tatlong mga rehiyon naman ang nagtaas ng sahod para sa mga kasambahay para sa buong bansa epektibo ngayon hunyo. 

Matatandaan na sa Lambak Cagayan ay itinaas ng RTWPB sa P420 ang sahod ng mga nasa retail, service at non-agriculture sector samantalang nasa P400 ang mga nasa agriculture sector. 


Nagsimula narin ang RTWPB sa pagtanggap ng mga aplikasyon ng exemption para sa mga hindi kayang ipatupad ang bagong umento sa sahod. (OTB/PIA Cagayan with reports from DOLE 2)

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch