No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Lungsod ng Lucena tumanggap ng parangal mula sa DA-4A

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon- Tumanggap ng parangal ang Lungsod ng Lucena sa pamamagitan ng City Agriculturist Office mula sa Department of Agriculture 4A noong Hunyo 14 dahilan sa mahusay na implementasyon ng Urban Agriculture Program sa buong CALABARZON.

Ayon sa City Public Information Office nakuha ng City Agriculture Office ang ikatlong pwesto sa pagpapatupad ng urban agriculture program sa buong rehiyon.

Nakuha naman ang ikalawang pwesto ng Calamba City habang nakamit ng Lipa City ang unang pwesto para sa best implementor ng Urban Agriculture Program.


Iginawad ng Department of Agriculture Region IV-A sa pangunguna ni Assistant Secretary for Operation and Regional Executive Director Engr. Arnel De Mesa, Ceso III ang naturang parangal na tinanggap ni Assistant City Agriculturist Officer Jirah Lou Mareno sa idinaos na programa sa Lipa City, Batangas.

Bukod sa sertipiko ng na pagkilala ay makakatanggap rin ang pamahalaang panlungsod ng Lucena ng P137,000 na halaga ng programa na maaaring gamitin para sa iba’t-ibang agricultural inputs.

Dahil dito, taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng panlungsod na agrikultor sa pangangasiwa ni Officer-in-Charge Arween Flores sa Department of Agriculture-CALABARZON gayundin sa lahat ng taong nasa likod ng programang ito lalo’t higit sa walang sawang suporta ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala.

Samantala, pinasalamatan naman ni Merano ang mahuhusay nitong kasamahan mula sa Urban Agriculture division na sina Agricultural Technologist Mia Lyn Ogana at Rosette Marasigan na nakatuwang upang mapagtagumpayan ang nabanggit na pagkilala.

Ang Urban Agriculture ay bagong banner program ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa dalawampung urban cities at per-urban municipalities kabilang ang Lungsod ng Lucena. (Ruel Orinday-PIA Quezon/ may ulat mula sa Lucena City PIO)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch