No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Provincial Agro-Trade Fair muling binuksan sa Batanes

BASCO, Batanes (PIA)- - Isang Provincial Agro-Trade Fair ang pinasinayaan sa Batanes bilang bahagi ng taunang papagdiriwang ng Batanes Founding Anniversary o Payuhuan Festival na ginaganap tuwing ika-26 ng Hunyo.

Ito ang kauna-unahan makalipas ang dalawang taon mula noong pumutok ang pandemiya ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa mensahe ni Batanes Governor Marilou Cayco sa pambungad ng programa, mahalaga ang Agro-Trade  Fair sa pagdiriwang ng Batanes Foundation Day  dahil dito naipapakita at naipagmamalaki ang mga natatanging mga produkto at ani ng probinsiya.

Dagdag niya, ang mga produktong ito ay hinubog ng matanda at makulay na kultura at tradisyon, na siya namang simbolo ng  katatagan ng mga Ivatan at ng lalawigan.

Ayon naman sa mensahe ni BFAR Regional Director Angel Encarnacion, mahalaga ang pag-iinvest sa  agriculture at fishery businesses kasama ang turismo para sa muling pagbangon  ng ekonimiya  ng probinsiya sa gitna ng pandemiya. (JKC/PIA BATANES/with reports from Christine E. Barbosa)

Pormal na binuksan ni Gov. Marilou Cayco, kasama ang ilang opisyales ng gobyerno, ang Agro-Trade Fair ng Batanes.

About the Author

Jan Karl Coballes

Regional Editor; Research and Development Officer; Tuguegarao City Information Center Manager

Region 2

Ibanag. Writer. Researcher. Ethnographer. Ethno-historian. Graduate student focusing on linguistic and cultural anthropology.

Feedback / Comment

Get in touch