No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

San Juan sa Hibok-Hibok 2022, ginanap sa Camiguin

CAMIGUIN (PIA)--Matapos ang dalawang taon na pagpapatigil ng malalaking pagdiriwang sa Camiguin dahil sa pandemya, ginanap ng lokal na pamahalaan ang San Juan sa Hibok-Hibok Festival 2022.

Tampok sa pagdiriwang ang pagsasagawa ng fluvial procession, at water sports competition gaya ng Baroto Race, Salbabida Race, Swimming Contest, Opok Contest ug Bamboo Boxing. 

Pinag-igi rin ang paglilinis ng karagatan sa pamamagitan ng 'Scubasurero' na nilahukan ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga scuba divers. Pinasaya rin ang kapistahan sa pamamagitan ng Inter-Agency Volleyball Tournament at Inter-Municipality Basketball Game sa Lagundi Beach Mambajao.

"Finally after two years, nagkaing-ani na pud ta nga activity, nga event, the past few weeks, the past months nagpista na ta, disco, party karon Hibok-Hibokan. We work hard and strive nga mabalik nato sa kabibo og unsa kalingaw ug ka-enjoy ang atong mga activities and events as it was before the pandemic," saad ni Camiguin Rep. at Governor-elect Xavier Jesus Romualdo.

(Sa wakas, matapos ang dalawang taon, mayroon na tayong aktibidad tulad nito. Sa nakalipas na mga linggo, sa nakalipas na mga buwan, nakapagsagawa na tayo ng pista, disco, party at ngayon ang Hibok-Hibokan. Kailangan nating magtrabaho ng mabuti at magsikap upang maibalik natin ang masayang mga aktibidad at kaganapan tulad ng dati na wala pa ang pandemya)

Pinasalamatan din ng kongresista ang kooperasyon ng bawat mamamayan sa probinsya sa pagpapabakuna kontra COVID-19 at sa pagkamit ng 85% vaccination rate sa kasalukuyan. Hinikayat din niya ang lahat na pakinabangan ang booster shots dahil mas nakakahawa ang bagong variants ng COVID-19.

Sa naturang pagdiriwang, ipinakita rin ang angking ganda and tikas ng mga taga-Camiguin sa Mr. and Ms. Hibok-Hibokan 2022 kung saan naiuwi ni Karl Michael Garcia at Maria Andrea Isabelle Dayao ang mga korona. 

Pinag-igi ang paglilinis ng karagatan sa pamamagitan ng 'Scubasurero' na nilahukan ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga scuba divers sa pagdiriwang ng San Juan sa Hibok-Hibok 2022. (RTP/PIA-10/Camiguin)

About the Author

Recthie Paculba

Regional Editor

Region 10

Camiguin Information Center Manager 

Feedback / Comment

Get in touch