No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Laoag City nagdiwang ng ika-57 Charter Day

LUNGSOD NG LAOAG, Hunyo 28 (PIA) – Nitong Linggo, ginunita ng Laoag City ang kanilang Charter Day upang ipagdiwang ang opisyal na araw ng pagkakatatag ng lungsod, limampu’t pitong taon na ang nakalipas.
 
Kasabay nito ay ipinagdiwang din ikalawang taon ng Malunggay Festival.
 

Pinangunahan ni Mayor Michael Marcos Keon at Governor Matthew Marcos Manotoc ang wreath laying sa pagdiriwang ng ika-57 Charter Day sa lungsod ng Laoag. (EJFG, PIA Ilocos Norte)



Pinangunahan ni Mayor Michael Marcos Keon at Governor Matthew Marcos Manotoc ang wreath laying ceremony upang pormal na umpisahan ang selebrasyon ng Charter Day.
 
Tampok naman sa Malunggay Festival ang iba’t ibang putahe na bida ang malunggay sa isinagawang Dulang Cook Fest.
 
Ibinida ng mga sumali sa cook fest ang kanilang mga malunggay recipe gaya ng malunggay sushi rice, malunggay puto flan, malunggay graham cake, at iba pa.
 


Kasabay ng selebrasyon ng Laoag City Charter Day, ginunita rin ang Malunggay Festival Dulang Festival kung saan tampok ang mga kakaibang putahe gamit ang naturang gulay. (EJFG, PIA Ilcoos Norte)
Tampok sa Malunggay Festival Dulang Cook Fest ang mga iba't ibang putahe gamit ang malunggay. (EJFG, PIA Ilocos Norte)

Bukod sa cook fest, may naganap din na malunggay tree-planting sa Barangay Buttong na pinangunahan ni Mayor Keon.
 
Sumali rin sa pagtatanim ang lahat ng mga barangay sa lungsod.
 
Samantala, binigyan din ng pagkilala ang mga Lupon Tagapamayapa awardees sa pagpapamalas ng galing sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kani-kanilang barangay.
 
Nanalo ang Barangay 1 San Lorenzo na nakapagtala ng marka na 99.3% ayon sa Peace Committee.
 
Nanalo ang barangay ng P25,000 at nabigyan din ng plaque of recognition.
 

Tinanggap ng mga opisyal ng Barangay San Lorenzo, Laoag City ang kanilang premyo sa pagkakapanalo sa Lupon Tagapamayapa Awards. (EJFG, PIA Ilocos Norte)
Binigyang-diin ni Laoag City Mayior Michael Marcos Keon ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagdiriwang ng ika-57 na Charter Day ng lungsod ng Laoag. (EJFG, PIA Ilocos Norte)


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Keon ang pagkakaisa para sa pag-unlad ng lungsod.
 
“It is our duty and it is our mandate to serve our kailians. So, on this note, I wish to reiterate to everyone the need for all of us to come together for the good and for the progress of our beloved City of Laoag,” ani ng alkalde. (JCR/AMB/EJFG, PIA Ilocos Norte)
 

About the Author

Emma Joyce Guillermo

Information Officer 1

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch