No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Infrastructure projects ng LGU Puerto Princesa, pinasinayaan

Infrastructure projects ng LGU Puerto Princesa, pinasinayaan

Pinangunahan ni Mayor Lucilo Bayron (nasa gitna) ang pagpapasinaya ng Katipusdan-Mitra Road, Bgy. Tagburos, Puerto Princesa City noong Hunyo 27,2022. (Larawan mula sa City Information Department)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN (PIA) -- Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City sa pangunguna ni Mayor Lucilo Bayron noong Hunyo 27-28, 2022 ang 18 infrastructure projects sa siyudad. Ayon kay Mayor Lucilo Bayron, kabilang dito ang walong sementadong kalsada, apat na drainage system, limang mga gusaling maliliit at isang pailaw o street light.

Aniya, ang proyekto ngayon ng siyudad ay maipagmamalaki na dahil sa ito ay maayos at hindi tulad noon na kapag ginawa ang proyekto, bahala na bukas kung maayos pa o hindi na.

“Ngayon talagang pinagpupursigihan natin na talagang pakikinabangan ng mga susunod na henerasyon natin, at nang sa ganun ay hindi naman masayang ang investment ng pamahalaang lunsod” saad pa niya.

Ilan sa mga ito ay ang  Katipusdan-Mitra Road sa Barangay Tagburos, konstruksyon ng multi-purpose building sa barangay Princesa, at konstruksyon ng drainage system sa castro road barangay San Pedro na ang mga halaga ay aabot sa mahigit P13 Milyon.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa pagpapasinaya ay ang mga outgoing city councilors na sina Konsehal Victor Oliveros, Roy Ventura at Matthew Mendoza na pinasalamatan ni Bayron sa kanilang naging ambag para maisakatuparan ang mga proyekto, gayundin ang mga barangay officials at iba pang kawani ng pamahalaang lungsod. (MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch