No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Chikiting Bakunation Days, isinagawa sa Batangas City

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)--Nakiisa ang Batangas City Health Office (CHO) sa isinagawang malawakang bakunahan ng Department of Health (DOH) para sa mga bata laban sa ibat-ibang karamdaman na tinaguriang ‘Chikiting Bakunation Days sa SM City Batangas noong ika- 23 hanggang 24 ng Hunyo 2022.

Ayon kay Cel Garcia, National Immunization Program Coordinator ng CHO, layunin ng nasabing programa na mabakunahan ang mga batang dalawang taong gulang pababa laban sa mga sakit tulad ng hepatitis B, polio, measles, mumps at rubella.

Ilan sa mga bakunang ipinagkaloob ay BCG vaccine, Pentavalent Vaccine, Oral Polio Vaccine (OPV), Inactivated Polio Vaccine (IPV), Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV) at Measles Mumps Rubella Vaccine (MMR).

Binigyang diin naman ni Dra. Leda Hernandez MD MPH, Director III ng DOH CALABARZON na kailangang masiguro na mayroong bakuna ang mga sanggol bago ito mag-isang taon bilang proteksyon sa mga nabanggit na karamdaman.

Target ng DOGH na mabakunahan ang mga batang hindi pa nabakunahan sa nakaraang buwan na nagsagawa ng bakuantion days ang kanilang ahensya upang mapangalagaan ang mga ito sa anumang sakit.

Hinihikayat din nila ang mga magulang na makiisa sa mga susunod pang pagbabakuna upang maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng pinsala sa mga ito.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga magulang sa mga programang tulad nito na ipinamimigay ng libre ng pamahalaan. (Bhaby P. De Castro/PIA Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)


About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch