No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 9 barangay sa Mimaropa, pasok sa 2021 SGLGB

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --- Ibinalita ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Mimaropa na pasado ng siyam na barangay sa rehiyon bilang National Passers sa 2021 Pilot Barangays for Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB).

Kabilang ang mga ‘pilot barangay’ na pumasa sa SGLBG ang mga sumusunod: Brgy.Banot ng Gasan, Marinduque; Brgy. Balao ng Abra De Ilog, Occ Mindoro; Brgy. Tayamaan ng Mamburao, Occ Mindoro; Brgy. Ibud ng Sablayan, Occ Mindoro; Brgy. Banice ng Banton, Romblon; Brgy Balogo ng Calatrava, Romblon; Brgy. Budiong ng Odiongan, Romblon; Brgy. Doña Juana ng San Agustin, Romblon; at Brgy. Taclobo ng San Fernando, Romblon.

Para makapasa sa SGLGB, kailangang maipakita ng isang barangay ang kakayahang magpatupad ng mga sumusunod: Safety, Peace and Order; Financial Administration & Sustainability at kahandaan sa sakuna.

Bukod dito, kailangan din makapasa sa alinman sa tatlong larangan: Social Protection and Sensitivity, Business-Friendliness and Competitiveness at Environment Management. (LP)

Ang siyam na barangay na nakapasok sa 2021 SGLGB. (larawan mula sa DILG Mimaropa Region)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch