No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: DOH, pinagiingat ang mga taga-Mimaropa sa Chikungunya

LUNGSOD QUEZON (PIA) --- Pinag-iingat ng DOH CHD Mimaropa ang mga taga-rehiyon sa Chikungunya.

Tulad ng sakit na Dengue at Malaria, ang Chikungunya ay naipapasa sa tao sa pamamagitang ng kagat ng lamok.

Ang mga sintomas ng Chikungunya na lalabas matapos ang tatlo hanggang pitong araw matapos makagat ng lamok ay ang mga sumusunod: pananakit ng ulo, lagnat, labis na pamamaga at pananakit ng mga kasukasuhan, mga pantal at pagsusuka.

Sa ulat ng DOH CHD Mimaropa, may pitong kaso ng Chikungunya sa rehiyon: lima sa Oriental Mindoro at dalawa sa Marinduque.

Ang pag-iwas sa Chikungunya ay katulad ng ginagawa din sa Dengue: hinahanap at sinisira ang mga pinangingitlugan ng lamok; pagsusuot ng mga mahahabang mangas at pantalon, pagpapakunsulta sa pagamutan kapag nilagnat sa loob ng dalawa o higit pang araw at pagsuporta sa fogging operation. (LP)

Makikita ang ulat ng TREND tungkol sa Chikungunya (DOH CHD Mimaropa Vector Borne Disease Unit

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch