LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Nagtakada ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) KWF ng kongreso sa Oktubre para pag-aralan ang mga papel pananaliksik na makakatulong sa pagbibigay buhay muli sa mga Wikang Katutubo.
Ayon kay Bb. Lourdes Zorilla-Hinampas, ang chief language researcher ng KWF, mahalaga ang papel ng wika dahil ito ay daluyan ng karanasan, kaalaman at kultura.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay may 132 katutubong wika at may 36 sa nasabing bilang ay nanganganib na mawala dahil sa pagdalang ng paggamit kahit sa kanilang kumunidad.
Ang dahilan ng pagdalang ay bunga ng pananaig ng mas dominating wika gaya ng Tagalog sa mga inter-marriages o kaya ay diskriminasyon kaya iniiwasang magamit.
Anim sa 36 sa nasabing wikang nanganganib ay mula sa Mimaropa: Wikang Binatak o Batak ng Puerto Princesa City, Gubatnon-Mangyan at Ratagnon-Mangyan ng Occidental Mindoro; Bangon Mangyan at Tadyawan Mangyan ng Oriental Mindoro at Tau-Buid Mangyan. (LP)
Ibinahagi ni Lourdes Zorilla Himapas ng KWF na may anim na katutubong wika sa Mimaropa ang nanganganib na mawala. (LP)