BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Idineklarang citrus capitaI ng Luzon ang bayan ng Kasibu sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kamakailan.
Ang deklarasyon ay ginawa anim na araw bago bumaba sa pwesto si dating Department of Agriculture Secretary William Dar.
Ayon sa ipinalabas na Administrative Order, sinabi ni Dar na ang bayan ng Kasibu ay isang major producer ng iba't -ibang variety ng citrus products sa loob ng 529 na ektarya sa Malabing Valley.
Ayon pa kay Dar, ang citrus ay isa sa mga high value products sa bansa kung saan tinatangkilik ito ng mga lokal at banyagang turista sa Cagayan valley region.
Ang mga citrus varieties at products ng Kasibu ay makikita at mabibili sa mga stalls ng national highway sa Nueva Vizcaya at ibang lugar sa Luzon.

Kaya naman todo ang suporta ng DA sa mga citrus farmers ng Kasibu dahil sa kanilang kontribusyon sa paglago ng ekonomiya. (OTB/BME/PIA NVizcaya)