No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Dinadayong Bonbon Beach sa Romblon, sarado muna sa publiko hanggang Agosto

Pansamantala munang isinara sa publiko ang sikat na Bonbon Beach sa bayan ng Romblon, Romblon alinsunod sa Executive Order No. 30-2022 na inilabas ni Mayor Gerard Montojo.. PIA Romblon File Photo.

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Pansamantala munang isinara sa publiko ang sikat na Bonbon Beach sa bayan ng Romblon, Romblon alinsunod sa Executive Order No. 30-2022 na inilabas ni Mayor Gerard Montojo.

Nagsimula ang closure noong Hulyo 4, at magtatagal hanggang sa katapusan ng Agosto.

Paliwanag ni Montojo, ang pagpapasara nila sa kilalang pasyalan ay para sa malawakang clean-up drive na isasagawa ng lokal na pamahalaan at mga environmentalist sa nasabing beach.

Panahon rin aniya munang pagpahingahin ang lugar sa dagsa ng mga tao.

Sa muling pagbubukas nito, asahan na ang pagkakaroon ng mag maasyos na pamamahala sa Bonbon Beach at pagkakaroon rin ng fee sa mga gustong pumasok. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch