No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Nueva Vizcaya PLGU Satellite Office, ipapatayo sa bayan ng Alfonso Castañeda

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Magpapatayo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ng isang Satellite Office sa bayan ng Alfonso Castañeda upang mas mailapit ang serbisyo sa lahat ng mga Novo Vizacayano.

Ayon kay Gob. Carlos Padilla, ang pagpapatayo ng isang satellite office sa Alfonso Castañeda ay alinsunod sa Resolution ng 10th Sangguniang Panlalawigan (SP) na isinulong ni Board Member Patricio Dumlao, Jr.

Dagdag pa ni Padilla na kinakailangan ito dahil ang Alfonso Castañeda ang pinakamalayong bayan ng lalawigan at nangangailangan ng agarang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon pa sa kanya, malaking tulong ang pagpapatayo ng satellite office sa nasabing bayan dahil hindi na gagastos ng malaki ang mga empleyado ng nasabing lokal na pamahalaan papunta sa kapitolyo ng lalawigan na matatagpuan sa bayan ng Bayombong upang isagawa ang mga transaksiyon dito.

Ayon pa sa gobernador, bahagi ito ng programa ng pamahalaang panlalawigan na mailapit ang mga serbisyong kinakailangan sa mga Novo Vizcayano lalo na sa mga malalayo at liblib na komunidad sa Nueva Vizcaya.

Sa mga nakaraang taon, isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan ang programang ‘Capitol on Wheels’ upang mabisita ang mga mamamayan sa mga liblib na lugar at mailapit ang mga libreng basic services dito.(MDCT/BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch