No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Satellite voters’ registration, binuksan sa isang mall sa San Pablo City

SAN PABLO CITY, Laguna (PIA) — Binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) San Pablo City ang satellite voters’ registration sa SM City San Pablo bilang paghahanda sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay City Administrator Larry Amante, minarapat ng lokal na pamahalaan na isagawa sa mall ang voters’ registration upang mabigyan ng mas malawak at komportableng lugar ang mga magpapa-rehistro.

Maaaring makapagpa-rehistro ang mga 18 taong gulang pataas para sa barangay elections, samantalang 15 hanggang 30 taong gulang naman sa SK elections. Kailangan ay anim na buwan nang naninirahan sa kasalukuyang barangay ang botante bago ang halalan. 

Paalala ng COMELEC San Pablo sa mga bago and magpapalipat na botante, o kailangang magpare-activat na magdala ng isang valid ID na may nakasulat na address. Ilan sa mga ID na tinatanggap ay ang student ID, library card, employee ID, postal ID, Senior Citizen ID, Driver’s License, TIN ID, NBI Clearance, passport, SSS/GSIS (UMID), I.B.P. ID, P.R.C. ID, PWD ID at iba pang mga valid ID. Kailangang dala ang original at photo copy ng ID/requirement. 

Para naman sa mga may nais ipabagong detalye ng rehistro, change of entries o updating ng civil status, kailangang magdala ng original at photo copy ng birth certificate o marriage certificate.

Nitong Hulyo 11 nagbukas ang voters registration na tatagal hanggang Hulyo 23. Tatanggap ng mga aplikante ang COMELEC mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. — CH, PIA4A

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Provincial Information Center Manager, PIA Laguna

Feedback / Comment

Get in touch