No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Deped Palawan nakatanggap ng planting tools, binhi, mula sa DA

Deped Palawan nakatanggap ng planting tools, binhi, mula sa DA

Ang mga planting tools na ibigay ng Department of Agriculture sa Deped Palawan. (Larawan mula sa Deped Palawan)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Pinagkalooban ng Department of Agriculture (DA) kamakailan ng mga gamit pananim at buto ng mga gulay ang Department of Education (DepEd) sa lalawigan ng Palawan. Kabilang dito ang sprinkler o pandilig, kalaykay, piko at iba pa.

Ito ay para sa 'Gulayan sa Paaralan Program' ng 20 paaralan sa Palawan na magiging benepisyaryo. Ang pamamahagi ay bahagi ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ng DA.

Ang mga kagamitan at pananim ay itinurn-over ni DA Palawan APCO Vicente Binasahan Jr. at HVCDP staffs kay OIC-Assistant Schools Division Superintendent Arnaldo G. Ventura at iba pang opisyal ng Deped palawan.

Batay sa website ng HVCDP, ang programa ay nabuo sa pamamagitan ng High Value Crops Development Act of 1995 na naglalayong isulong ang produksyon, pagkalakal, at distrubisyon ng high value crops para masolusyunan ang problema sa seguridad sa pagkain at kahirapan. Kasama sa mga high value crops ay ang talong, ampalaya, okra, kalabasa at marami pang iba. (MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch