LUNGSOD NG OLONGAPO (PIA) -- Nasa kabuuang 30 mangingisdang kababaihan sa lungsod ng Olongapo ang sumailalim sa pagsasanay sa fish processing ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Ayon kay BFAR Provincial Fisheries Officer Neil Encinares, mga miyembro ng Nay Stella Farmers and Fisherfolks of New Cabalan Association ang mga kalahok.
Layunin ng pagsasanay na mas mapataas pa ang kalidad at halaga ng mga produktong isda na kanilang ikinakalakal.
Kanilang natutunan ang mabusisi at wastong proseso ng fish smoking, deboning at bottling. Nakatanggap din ang grupo ng isang yunit ng smoke house at mga kalakip nitong aparato.
Ikinakagalak ni Stella Paballa, nagtatag ng samahan, na naihatid sa kanilang barangay ang ganitong uri ng serbisyo mula sa pamahalaan.
Aniya, mapalad sila na mayroon ganitong pagsasanay mula sa BFAR at pamahalaang lungsod dahil nais niyang maging maalam ang kanyang mga kabarangay sa iba't ibang technique sa pagtitinda ng kanilang mga produkto. (CLJD/RGP-PIA 3)
Nasa kabuuang 30 mangingisdang kababaihan sa lungsod ng Olongapo ang sumailalim sa pagsasanay sa fish processing ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. (BFAR Central Luzon)