No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tourism Road Infrastructure Project sa Diffun binuksan

DIFFUN, Quirino (PIA) - - Sa layuning mas lalo pang mapaganda ang mga daan papunta sa sa mga pook pasyalan para mas maging madali at ligtas ang mga turista at mga residente, binuksan kamakailan ang Tourism Road Infrastructure Project (TRIP) sa Baguio Village, Diffun.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang pagbubukas ng Tourism Road na madadaanan papunta sa mga sikat na tourist attractions gaya ng Ganano Falls at Eagle’s Beak Batumbaket ay naglalayong mapalago ang industriya ng turismo sa barangay Baguio Village at sa buong bayan ng Diffun.

Ang Tourism Road Infrastructure Program ay isang convergence project ng Department of Tourism at Department of Works and Highways

Ang proyektong nagkakahalaga ng P9,797,807.77 ay nasimulan noong February 09, 2022 at nakumpleto noong April 27, 2022.

Ang pagpapasinaya at pagbubukas sa nasabing kalsada ay pinangunahan nina Governor Dax Cua, PCSO Chairperson Junie E. Cua, Vice-Governor Jojo Vaquilar, Mayor May Calaunan, DPWH District Engineer Lorna Asuten at iba pang opisyal mula sa bayan ng Diffun at pamahalaang panlalawigan.

Isinagawa rin ang pagtatanim ng kawayan sa nasabing lugar na gagawing   Bamboo Forest Park at nagkaroon din ng consultation meeting si Gov. Cua kasama ang mga officer at member ng Baguio Village Multi-Purpose Cooperative upang mapakinggan ang iba pangangailangan ng kooperatiba. (MDCT/TCB/PIA Quirino)

About the Author

Thelma Bicarme

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch