No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

10 establisimyento, binisita ng SSS RACE Team

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Isinagawa ng Social Security System ang Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign sa may 10 establisimyento sa lungsod ng Lipa noong ika-8 ng Hulyo.

Layon ng naturang kampanya na ipakita sa publiko na seryoso ang ahensya sa kanilang mandato at pagpapatupad ng mga kaukulang batas ukol sa mga kumpanyang lumalabag sa kanilang panuntunan kaugnay ng members contribution.

Iba’t-ibang business establishments ang inikot ng RACE Team sa bahagi ng Sabang, Marawoy at Mataas na Lupa. Ilan sa mga ito ay eskwelahan, restoran, printing press, airconditioning services, cellphone accessories at iba pa.

Ayon kay Francisco Pquito Lescano, Acting Head ng SSS South Luzon 2, kapag hindi sumusunod ang isang establismyento sa tamang pagbabayad ng kontribusyon apektado ang mga miyembro nito. Kapag malaki ang delinquent account ng employer ay mayroon itong karagdagang penalty.

“Binibigyan namin sila ng show-cause order or demand letter para sa kanilang delinquency. Binibigyan sila ng 15 araw para makipag-ugnayan sa SSS at kapag hindi ay irerefer ito sa Legal Department. Maaari silang mag-avail ng installment hanggang Nobyembre 2022,” ani Lescano.

Ayon kay Joseph Pedley Britannico, SSS Lipa Branch Head, ang bawat establismyento ay may mga accounts officer na siyang nagmomonitor sa full compliance ng employers sa SSS Law.

“Out of more than 440,000 accounts, pagdating sa employers na may 7500 ang bilang ng aktibo,may 2,000 hanggang 3,000 ang ikinokonsidera na delinquent at dito nagmula ang mga nabisita ng Team,” ani Britannico.

Patuloy ang pamimigay ng tanggapan ng show cause order sa lahat ng mga establsimyento na nakitaan ng paglabag sa kanilang mga panuntunan kaugnay ng SSS Law. (MDC/PIA BATANGAS)


About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch