No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SARO ng Ikalawang bugso ng pondo sa Targeted Cash Transfer ng DSWD, aprubado na sa DBM

LUNGSOD QUEZON, (PIA)---Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) ang tulong ng kagawaran sa Targeted Cash Transfer (TCT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maibsan ang epekto ng inflation sa kanilang mga mararalitang benepisyaryo.

“Sila iyong mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng gasolina at iba pang bilihin. We want them to know and feel that their government is here for them. We are ready to help them (nais naming malaman at maramdaman nila na naririto ang pamahalaan para sa kanila),” ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng pagkakaapruba nitong Lunes, unang araw ng Agosto, ng Special Allotment Release Order (SARO) Php 4,133,932,538 para sa ikalawang bugso (second tranche) ng TCT.

Ang agarang pagpapalabas ng special allotment ay batay sa kahilingan ng Department of Finance.

Sa second tranche ng TCT, 4 na milyong benepisyaryo na hindi kasapi sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program muna ang mabibiyayaan.

Una rito, may naipalabas na Php 6.20 bilyon sa DSWD para ipantustos ng TCT sa may 4 na milyong validated 4PS beneficiaries at 2 milyong social pensioners.

"Hangga’t kaya natin, patuloy po nating susuportahan ang mga programa ng pamahalaan na magbibigay-tulong sa ating mga kababayan. Sa kabila po ng pandemya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, patunay po ang ayudang ito na hindi po kayo pinababayaan ng gobyerno sa panahong kayo ay nangangailangan," sabi pa ni Pangandaman.  

Bukod sa mga 4Ps Beneficiaries, kasama sa TCT ang mga maralitang hindi 4PS beneficiaries na dating benepisyaryo ng Non-Conditional Cash Transfer at naapektuhan ng pagpapatulad ng TRAIN Law noong 2018 -2020, ang mga Indigent Social Pensioners at Senior Citizens; at ang mga sambahayan na pasok sa 1st -5th decile ng Listahanan o anumang povery data source.

Sa ilalim ng TCT, ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng limang daang piso kada buwan na ipapadala sa cash card ng Land Bank of the Philippines, ibang mga bangko, o mga electric money issuer.

Tatlong libong piso ang kabuuang halaga na matatangap ng TCT beneficiaries sa loob ng anim na buwan.  (LP)

Ang Targeted Cash Transfer ay tulong sa mga mararalitang benipisyaryo ng DSWD sa umiiral na inflation. (Social card ng DSWD)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch