No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dupax del Norte rice farmers, tumanggap ng ayuda mula LGU

Nagbigay ng tulong pinansiyal ang LGU ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya sa mga rice farmers nito kamakailan. Ang tulong ay hango sa Local Rice Farmers Financial Assistance Program. Photo from Mayor TCayton FB Page


BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Tumanggap ng tulong pinansiyal ang mga rice farmers ng Dupax del Norte kamakailan mula sa local government unit.

Ayon kay Mayor Timothy Cayton, ang P9,000 na tulong para sa bawat rice farmer ay ibinigay ng LGU mula sa “Local Rice Farmers Financial Assistance” program na naunang isinulong at inaprubahan ng mga miyembro ng  Sangguniang Bayan (SB).

“Tulong ito para sa ating mga rice farmers dahil malaking dagok ng problema ang tumama sa kanila dulot ng COVID-19 Pandemic, Rice Tarification Law, mga nakaraang kalamidad at  iba pang problema na kanilang hinaharap,” pahayag ni Cayton.

Ayon pa sa kanya, ang ayuda sa mga rice farmers ang nararapat dahil sa kasalukuyang pagtaas ng presyo ng mga  bilihin lalo na ang mga pataba at iba pang farm inputs dulot ng Russia-Ukraine war.

Dagdag pa ni Cayton na ang mga rice farmers ang isa sa mga priority sector na tinutulungan ng LGU dahil ang  ekonomiya ng bayan ay halos hango mula sa agrikultura.

“Umaasa kaming mabibigyan muli ng inspirasyon at lakas ng loob ang ating mga magsasaka sa tulong ng ating LGU upang sama-sama tayong ibangon muli ang ating ekonomiya tungo sa pag-unlad ng ating bayan,” pahayag ni Cayton. (OTB/BME/PIA NVizcaya)       

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch