No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Botika ng Bayan(BNB), binuksan sa Tingloy

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Binuksan na ang Botika ng Bayan (BNB) sa bayan ng Tingloy noong ika-2 ng Agosto, 2022.

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) - Center for Health Development (CHD) Calabarzon ang pagbubukas ng botika na inaasahang magbibigay ng libre at ligtas na gamot para sa mga marginalized at indigent patients sa naturang bayan.

Ayon kay CHD Calabarzon Regional Director Ariel Valencia patuloy ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagtataguyod ng mga community pharmacies lalo na sa malalayong lugar sa rehiyon.

“Malaki ang maitutulong ng Botika ng Bayan sa mga residente dito sa bayan ng Tingloy lalo na sa mga pasyente na malaki ang kakulangang pinansyal upang makabili ng kinakailangang gamot. Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan natin at pagpapalakas ng samahan sa mga pharmaceutical companies para makapagdala sila ng mga gamot na pakikinabangan ng komunidad,” ani Valencia.

Kabilang sa mga gamot na matatagpuan sa BNB ang mga sumusunod: vitamins, micronutrients, antacids, paracetamol, antibiotics, topical ointments, anti-thrombotic, anti-inflammatory, antihyperlipidemic, anthelmintic, at hypoglycemic.  Maging ang mga gamot para sa asthma, hypertension, diabetes, and dyslipidemia ay mayroon dito.

Nagkakahalaga ng P 181,908.40 ang mga gamot na dinala sa Tingloy BNB. 

Libreng ipinamimigay ang mga gamot na matatagpuan dito kinakailangan lamang dalahin ang reseta mula sa doctor.

Bukod sa Tingloy, operasyonal na din ang BNB sa  Sta. Maria, Laguna; Mauban, Quezon; Quezon, Quezon; Magallanes, Cavite; at Trece Martires, Cavite. (MDC/PIA-Batangas may ulat mula sa DOH Calabarzon)



About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch