No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtatayo ng Rice Processing Center sa Santa Cruz, Laguna, plano ng pamahalaang panlalawigan

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Nilagdaan ni Governor Ramil Hernandez at kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Santa Cruz ang isang memorandum of agreement para sa pagtatayo ng Rice Processing Center sa 1,000 sq.m. na lupaing pagmamay-ari ng bayan.

Layon ng center na maproseso ng maayos ang palay ng mga magsasaka tulad ng wastong pagpapatuyo na magre-resulta sa pagtaas ng halaga nito dahil sa magandang uri o kalidad ng palay.

Bahagi ang naganap na MOA signing ng ika-54 taong pagkakatatag ng Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAg).

Ilan pa sa mga aktibidad sa anibersaryo ng tanggapan ang paglulunsad sa bagong produkto ng FAES na Banana Flour o isang alternatibong sangkap sa pagluluto ng pagkaing ginagamitan ng harina. Ipinatikim sa mga dumalo ang isang pancake na gawa sa naturang harina bilang sensory evaluation sa mga panauhin ang pancake na gawa sa harinang ito. 

Nanumpa rin ang 11 opisyal ng Agricultural Association sa lalawigan, pagkilala sa 30 retiradong kawani bilang pasasalamat sa kanilang mga serbisyo.

Isa rin sa naging sentro ng pagdiriwang ang pagbubukas ng mga bagong pasilidad sa demonstration farm gaya ng orchidarium, herbs & spices Garden, Provincial Agricultural Processing Center, at iba pa. — Christopher Hedreyda, PIA4A

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Provincial Information Center Manager, PIA Laguna

Feedback / Comment

Get in touch