No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pamamahagi ng student's school kit, sinimulan na ng Valenzuela LGU

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang pamamahagi ng mga school kit na magagamit ng mga estudyante sa darating na pasukan.

Kabilang sa mga nabiyayaan ang lahat ng mga mag-aaral sa kindergarten at elementarya ng lungsod. Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang inisyal na pamamahagi nitong Biyernes, Agosto 12.

Pinaalalahanan din ni Mayor Wes ang mga magulang na pabakunahan ng booster shots ang kanilang mga anak bilang dagdag na proteksyon laban a COVID-19 sa darating na face-to-face classes.

Kasama ni Mayor Wes sa ginagawang distribusyon ng school kits sina Valenzuela City Representative Rex Gatchalian at Education 360 Degrees Investment Program Action Officer at bise-alkalde ng lungsod na si Lorie Natividad-Borja.

Sinabi naman ni Natividad-Borja na umaasa sila na malaking tulong sa gastusin ng mga magulang ang ginagawang pamamahagi ng pamahalaang lungsod ng school supplies sa mga mag-aaral.

"Tandaan ninyo na dito sa Valenzuela City, pagdating sa edukasyon, walang maiiwan,” pahayag ni Borja.

Ayon naman kay Cong. Rex Gatchalian, ang edukasyon ang isa sa mga pangunahing priyoridad ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela, kaya’t patuloy sila sa pagpupursige na maipatupad ang iba't ibang mga programa at proyekto na magpapahusay pa sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng lungsod. (Valenzuela PIO/PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch