No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Young farmers ng Baguio, palalakasin

BAGUIO CITY (PIA) -- Pinalalakas pa ng pamahalaang lokal ng Baguio City ang kanilang kampanya upang mahikayat ang mga kabataan na makibahagi sa farming activities o urban agriculture.
 
"Ang intensyon nga natin ay to expand 'yung farming activities sa ating mga youth especially na ang ating farmers sa ngayon ay aging na in population. Meaning, darating 'yung time na walang magfa-farm para sa ating future food security," pahayag ni City Veterinary and Agriculture Office Senior Agriculturist Marcelina Tabelin.

Sa katunayan aniya, ipatutupad na sa susunod na taon ang ordinansang Baguio Urban Gardening with the 4H Club - Young Farmer School Program (BUG-4-H) na naapruhan noong 2021. Sa pamamagitan nito ay mapauunlad ng mga kabataan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga inobasyon at maihahanda sila bilang susunod na lider ng agricultural production at food security.
 
Ayon kay Tabelin, ipatutupad muna ang ordinansa sa dalawang pilot schools katuwang ang Department of Education. Naglaan ang pamahalaang panlungsod ng P250,000 na pondo para sa programa bawat taon.
 
"Kina-capacitate na natin ang ating mga teachers and next year, mag-implement na tayo. After nitong capacity building ng ating mga teachers, susunod 'yung sa estudyante," saad ni Tabelin.

Si CVAO Senior Agriculturist Marcelina Tabelin sa ginanap na Ugnayan Panlungsod nitong Agosto 17, 2022.

Isasagawa rin ang dalawang linggong Farm Field School Program para sa patuloy na pagsasanay ng mga estudyante. Pagkatapos ng training ay ipatutupad ang community gardening, at pangangasiwa ng livestock at poulty.
 
"Parang magiging learning laboratory platform 'yung production area na mai-implement po sa mga schools. From there, magiging income generating na rin siya ng school, depende kung saan nila gagamitin ang proceeds ng project," aniya.
 
Ngayong taon ay ipinatupad ang kaparehong programa sa Barangay Lucnab kung saan  may pinangangasiwaan ang mga miyembro ng 4H Club, katuwang ang kanilang mga magulang, na community model garden. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch