No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Optical mission, isinagawa sa Bayan ng Castilla

SORSOGON CITY, Sorsogon (PIA) - Matagumpay na isinagawa ang optical mission sa Prk. Rosal Gymnasium, Cumadcad, Castilla, Sorsogon, nung Linggo, August 14, 2022.

Umabot sa 50, 000 na mga salamin sa mata at anti-radiation ang naipamahagi sa isinagawang optical mission.

Layunin nito na matulungan ang mga Castillano na makapag patingin ng kanilang mga mata at mabigyan ng libreng salamin.

Sa tulong ng Semi Di Esperanza Foundation Inc. at ng Filipino Family Club International Inc. kasama ang Lokal na pamahalaan ng Castilla ay naisakatuparan ang nasabing programa.

Kaugnay nito namahagi rin ng wheelchair sa mga PWD at ng tig 5 kilong bigas para sa 1,000 indibidwal na naunang dumating sa nasabing aktibidad.

Laking pasasalamat ng mga Castillanong may problema sa mata na nakatanggap ng libreng check-up at salamin na magbibigay sa kanila ng mas malinaw na paningin. (PIA5/Sorsogon)

Mga ipinamahaging wheel Chair sa mga PWDs
Libreng check-up sa mga mata hatid

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch