No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Danlagan ES maayos na nagbukas ng klase

PADRE BURGOS, Quezon, Naging maayos ang pagbubukas ng klase sa Danlagan Elementary School (DES)  sa Padre Burgos, Quezon noong Agosto 22.

Sa panayam ng Philippine Information Agency- Quezon, sinabi ng punong guro ng nasabing paaralan na si Arlan Melendres  na mayroon silang 173 mag-aaral na naka-enroll ngayong school year 2022-2023 kung saan ay hinati nila ang oras ng pagpasok ng mga nasa kindergarten, Grade-1 hanggang Grade-6 na tig-15 mag-aaral lamang bawa’t araw.

“Mayroon po kaming dalawang araw na face-to-face class at talong araw  na “modular scheme,” sabi pa ni Melendres

Idinagdag pa niya na pinaalalahanan din nila ang mga mag-aaral na wala munang laro  at mga physical activity upang maiwasan ang anumang uri ng pagtitipon sa loob ng paaralan.

Samantala, mayroon ding inilagay na “isolation facility”, “washing areas” at magkakahiwalay na entrance at exit gates ang nasabing paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral. (RMO/PIA-Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch