No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

CL RDRRMC, ibinahagi ang mga paghahanda para sa apektado ng bagyong Florita

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) -- Nagpulong ang iba't-ibang ahensyang miyembro ng Central Luzon Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC upang pag-usapan ang pagtulong at pagresponde sa mga naapektuhan ng bagyong Florita. 
 
Ayon kay Department of Social Welfare and Development OIC-Regional Director at RDRRMC Vice-Chairperson for Response and Early Recovery Venus Rebuldela, may kabuuang 16,616 family food packs ang prepositioned sa kanilang mga warehouse na
nagkakahalaga ng 8.2 milyong piso.
 
Para sa mabilisan na pagresponde at pagkakaloob ng tulong sa mga apektadong lugar ay may mga naka preposition na mga food packs din sa iba't-ibang mga probinsya.
 
Bukod sa family food packs, may mga non-food items din gaya ng family kits, sleeping kits, hygiene kits, women friendly kits, child friendly kits, camp coordination and camp management kits at iba pa ang nakaprepositioned.
 
Nakaactivate na rin aniya Rapid Deployment Team at may 15 Quick Response Team o QRT na nakahanda para sa deployment.
 
Ang mga QRT ay sinanay sa Camp Coordination at Camp Management habang 43 na tauhan nila ang sinanay sa Mental Health at Psychosocial Support at 35 tauhan ang sinanay sa Basic First Aid.
 
Samantala, ibinahagi ng Department of the Interior and Local Government na sila ay nakamonitor sa 130 local chief executives at sa pagsuspinde ng mga klase.
 
Sa bahagi naman ng Department of Human Settlements and Urban Development ay nakahanda sila upang magbigay ng assistance sa isang naitalang bahagyang nasirang bahay sa lalawigan ng Zambales.
 
Ibinahagi rin ng Department of Information and Communications Technology na handa rin ang mga HF Radio station, VHF Based radio sa mga panlalawigang tanggapan nito sa Aurora, Bulacan, Pampanga, at Zambales.  
 
Mayroon din mga GECS Move set at Gasoline Fueled Generator na nakaimbak sa tanggapan nito sa Bulacan, at maging mga satellite phone.
 
Sa hanay naman ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection, tiniyak nila na nakahanda na ang kani-kanilang tauhan, mobility units, at kanilang mga kagamitan para sa deployment at pagbibigay ng serbisyo at tulong.
 
Gayundin, iprinesenta naman ng Office of Civil Defense ang imbentaryo ng kanilang mga non-food item at personal protective equipment na nakaimbak sa Clark, at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
 
Umabot na sa 11 lokal na pamahalaan, 28 barangay, 255 pamilya at 914 ang naapektuhan ng bagyong Florita sa rehiyon, batay sa ulat ng DSWD ngayong alas otso ng umaga. (CLJD/RGP-PIA 3)
 

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch