No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong reading hub para sa mag-aaral binuksan sa Daraga Albay

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) -- Pinangunahan ni Albay Gov. Noel Rosal ang ribbon-cutting ceremony at pagbubukas ng bagong reading hub sa Daraga National High School (DNHS).

Ito ay mula sa pinagsamang ugnayan ng DNHS at Kiwanis Club of Daragang Magayon (KCDM).

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Rosal ang pagsisikap ng DNHS at ng kabutihang-loob ng mga miyembro ng KCDM.

Hinikayat ni Albay Gov. Noel Rosal ang patuloy na ugnayan ng mga pribadong grupo sa pamahalaan upang itulak ang higit pang mga proyekto at programa na magbibigay inspirasyon at tulung sa mga komunidad.(Gov. Rosal photo)

Aniya, siya mismo ay miyembro ng Kiwanis Club of Legazpi at alam niya ang mahalagang tulong at serbisyong naihatid nito sa mga komunidad. Bukod dito, hinikayat ni Rosal ang patuloy na ugnayan ng iba't ibang organisasyo upang itulak ang higit pang mga proyekto at programa na magbibigay inspirasyon at tulung sa mga komunidad.

Ayon naman kay Angelica Zuñega, project proponent at guro sa DNHS, malaking tulong ang reading hub upang matulungan ang mga mag-aaral  lalo na ang mga hindi natutukan na mga estudyante sa reading comprehension.

Ani Zuñega, malaki ang learning gap ng mga mag-aral lalo na ngayong pandemya kung saan nawlaan ng direktang ugnayan ang mga guro at mag-aaral.

Dagdag panawagan niya ang pakikipagtulungan ng bawat magulang na suportahan ang kanilang anak upang patuloy na mapalawak ang kakayahan sa pagbabasa at mapagtibay ang kanilang kaalaman.(PIA5/Albay)

About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch