No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

333 magsasaka sa Panukulan, natulungan ng DA-4A maipalista sa RSBSA

PANUKULAN, Quezon- Mahigit sa 333 magsasaka sa bayan ng Panukulan, Quezon ang natulungan ng Department of Agriculture – (DA)- Region-4A upang maipalista  sa Registry System for Basic  Sectors in Agriculture (RSBSA)  sa idinaos na “Huntahan sa kanayunan” noong  Agosto 26.

Sinabi ni Department of Agriculture 4A  Regional  Agriculture and Fisheries  Information Section (RAFIS)  Information Chief Radel  Llagas na mahalaga sa magsasaka  na magpalista sa RSBSA pang madaling makakuha  ng mga suporta  at iba pang mga interventions  na ibinibigay ng Kagawaran ng Pagsasaka.

‘Mahalaga din pong maging kasapi ng alinmang lihitimong samahang pansakahan  ang mga magsasaka upang magkaroon sila ng panibagong kaalaman sa pagsasaka gayundin matulungan sa iba pang usaping  pang sakahan,”  sabi pa ni Llagas

Ayon naman kay OIC- Regional Technical Director for Research, Regulations  and Integrated Laboratory at Corn Program Coordinator  Fidel Libao na mahalaga na marinig ang kahilingan ng mga magsasaka at matugunan ito upang umunlad ang kanilang sektor.

Samantala, nagpasalamat naman  si Panukulan Mayor  Alfred Rigor Mitra sa pagkakaroon ng ganitong uri ng programa at tiyak na hihimukin  ang lahat ng mga magsasaka sa kanilang bayan na magpatala sa RSBSA upang mapag-isa  at umunlad ang sektor ng agrikultura dito.

Ang “Huntahan  sa Kanayunan” ay programa ng DA-4A  na naglalayon  na mapalaganap  ang mga programa at  serbisyong pang-agrikultura  sa malalayong lugar sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon gayundin marinig ang boses ng mga magsasaka. (RMO/PIA Quezon may ulat mula kay Jayvee Ergino/DA-4A).

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch