No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BFAR-MIMAROPA, bantay presyo sa mga pamilihan ng isda sa Mogpog

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Upang masiguro na hindi lumalagpas sa itinakdang presyo ng pagbebenta ng mga isda sa mga pamilihan, nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-MIMAROPA ng Market Denial at Price Monitoring sa mga pamilihan ng bayan ng Mogpog, Marinduque kamakailan.

Pinangunahan ni Fishing Regulations Officer I Danny Domingo ang gawain, kung saan 20 na fish stalls ang ininspeksyon.

Ayon sa isinagawang inspeksyon, walang iligal na huling isda o di kaya mga ipinagbabawal na species ang nakita sa mga naturang fish stalls.

Bahagi ang gawain ng mandato ng ahensiya na pigilan, bawalan at alisin ang mga iligal na fishing activities upang masiguro na may sapat na suplay ng isda sa gitna ng epekto ng pandemyang COVID-19. (JJGS/PIA MIMAROPA)

Makikita sa larawan ang isinasagawang inspeksyon ni Fishing Regulations Officer I Danny Domingo sa isa sa mga fish stalls sa naturang bayan. Larawan mula BFAR MIMAROPA FB page.

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch