No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DSWD nagpaalala sa tamang iskedyul ng educ. assistance payout

LUNGSOD NG LAOAG (PIA) – Upang iwas sa mahabang pila, nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Field Office 1 na sundin ng maayos ang iskedyul ng registration at payout para sa kanilang Educational Assistance program.
 
Matapos nakitaan ng mahabang pila sa probinsyal na opisina ng DSWD sa lungsod ng Laoag noong Agosto 20 para sa educational assistance payout, nais magpaalala ang ahensya na sundin na ang nakatakdang iskedyul ng pagpaparehistro sa naturang programa.
 
Ayon kay Virginia Sesay, team leader mula DSWD-Field Office 1, ang nakita nilang sanhi ng paghaba ng pila ay dahil mayroong mga estudyante at magulang na pumunta sa payout na walang iskedyul at nagbabakasakali lamang na mabigyan ng slot.
 
Sa susunod na buwan, naka-iskedyul ang payout sa mga araw ng Sabado o sa Setyembre 3, 10, 17 at 24.
 

Sa mga nakapagpasa na ng requirements, maghintay lamang ng text message mula sa ahensya upang malaman ang iskedyul ng pagpunta sa payout center.
 
Nanawagan si Sesay na sundin din ang tamang pagpasa ng mga requirements.
 
Kailangang ipasa ng mga benepisyaryo ang kanilang dokumento sa kani-kanilang mga municipal o city social welfare and development offices.
 
Samantala, inaasahan naman ng ahensya na sa susunod na payout ay mas masusunod na ang nakatakdang iskedyul sa mga payout centers upang maiwasan ang mahabang pila at pati na rin ang pagkalito ng mga benepisyaryo.
 
Sa payout nitong Sabado, tumulong ang mga police personnel sa pagpapanatili ng maayos na pila pati na rin ang tamang pagsunod ng social distancing at iba pang health protocols. (JCR/AMB/EJFG, PIA Ilocos Norte)

About the Author

Emma Joyce Guillermo

Information Officer 1

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch