No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong parke sa Muntinlupa bukas na

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --- Bukas na sa publiko ang bagong parke sa Bayanan Baywalk sa Muntinlupa. 

Sa press release ng Muntinlupa, ito ang bagong “Urban Green Space and Recreational Park” sa ilalim ng Urban Re-Greening and Renewal Program na isang insyatibo upang maitaas ang kamalayan sa kapaligiran at hikayatin ang inclusive at participatory planning sa mga stakeholder na tugunan ang urban decay sa pamamagitan ng paglikha ng mga luntiang pampublikong parke at revitalization ng Metro Manila ecosystem laban sa mabilis na urbanisasyon.

Ito ay proyekto ng Metro Manila Development Authority at ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa ilalim ng “I ♡ Metro Manila (MM)” advocacy kung saan ang ahensya ay nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang local government unit sa National Capital Region para sa Adopt-a-Park Project na ito.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na ang pagtatatag ng parke ay bahagi ng 7K Agenda na sentro ng kanyang administrasyon. Ito ay binubuo ng Kabuhayan, Kalusugan, Karunungan, Kaunlaran, Kapayapaan/Kaayusan, Katarungan, at Kalikasan.

Ang bagong parke ay bukas na sa publiko at may bagong tanim na damo, bollard lights, mga upuan, ramps para sa mga persons with disabilities (PWDs), lugar para sa ehersisyo, at makulay na lugar-palaruan para sa mga bata.

Nagkaroon ng maikling programa nang ito'y pinasinayaan ngayong araw, September 5, 2022 na pinangunahan nina pinangunahan nina Mayor Ruffy Biazon at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Usec. Carlo Dimayuga III, at dinaluhan ng mga lokal na opisyal ng lunsod.


(Mga larawan mula sa Muntinlupa PIO)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch