No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Eleksyon ng bagong pamunuan ng MOVE-Quezon, idinaos

LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon- Isinagawa ng Provincial Gender and Development Office noong Agosto 26 sa lungsod na ito ang halalan ng bagong pamunuan ng Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere (MOVE) Quezon.

Ang mga nahalal na bagong opisyal ng MOVE-Quezon ay sina: President- Bernie Torno; Executive Vice President- Jerry Mabulay; Vice President for District-1- Edgardo Azcarraga; Vice President for District -2 – Randy Tronilla; Vice President for District-3 – Randy Parafina; Vice President for District-4- Rogelio Zurbano; Secretary -  Jojie Aranilla; Treasurer-  Marco Antonio Dique; Auditor- Alvin Aguila;  Public Relations Officer- Ruel Orinday at;  Adviser- DPWH Regional Director Ronnel M. Tan

Ang mga inihalal sa tungkulin ay mula sa sa mga samahan ng MOVE sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon gayundin mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaang nasyonal.

Pangunahing layunin ng MOVE-Quezon na magsagawa ng mga programa upang labanan at makaiwas ang mga kababaihan at mga kabataaan sa anumang uri ng mga karahasan.

Layunin din ng MOVE na paigtingin pa ang mga kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan at maging sa mga kabataan.

Kabilang sa mga ahensiya na kasapi ng MOVE-Quezon ay ang Philippine National Police- Quezon; Department of the Interior and Local Government (DILG)-Quezon); Department of Social Welfare and Development, municipal at provincial social welfare and development officer, Pag-Ibig, Philippine Information Agency-Quezon at iba pang ahensiya ng pamahalaan na may mga programa para sa mga kababaihan at mga kabataan.

Ang pagpupulong ay pinangunahan nina Provincial Administrator Manuel Burtardo at Atty. Geofflyn San Agustin, hepe ng Provincial Gender and Development Office.

Samantala, may inihanda nang programa ang MOVE-Quezon na ipatutupad mula Setyembre hanggang Disyembre 2022.

Kabilang dito ay ang mga sumusunod:  18 day campaign activities na magsisimula sa Nobyembre  25 hanggang Disyembre 12, 2022; “Orientation  on Understanding Psyche Surrounding VAWC (online)  na dadaluhan  ng mga MOVE officers; “Takbo/ Padyak Para kay Juana laban sa karahasan sa kababaihan sa Disyembre 4, 2022; “Radio Hopping, free legal consultation on VAWC  sa Nobyembre 28-29, 2022 at Disyembre  1-2, 2022 gayundin ang  MOVE General Assembly/ Annual Congress sa Disyembre 12. 2022. (RMO/PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch