No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong Fire Station ng San Agustin, pinasinayaan

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Pinasinayaan nitong September 5 ang bagong gusali ng San Agustin Municipal Fire Station sa bayan ng San Agustin, Romblon.

Pinangunahan ni Supt. Ramel B. Borja ang pagpapasinaya sa nasabing gusali kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng San Agustin sa pangunguna ni Municipal Mayor Denon Madrona.

Sa isang mensahe ni Mayor Denon Madrona, sinabi nito na nakausap ni Congressman Eleandro Madrona si DILG Secretary Benjamin C. Abalos, Jr., at sinabing ang bagong fire station ay lalagyan nila ng modern fire truck.

Sa ngayon, ang San Agustin Fire Station ang pinakamalaking municipal fire station sa buong probinsya ng Romblon. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch