No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga estudyante sa Crispin Grimares Elem. School, nakiisa sa 3rd Quarter NSED

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Sabay-sabay na nag duck-cover-and-hold ang mga estudyante ng Crispin Grimares Elementary School sa Sitio Cogon, Limon Norte, Looc kahapon.

Ito ay bilang pakikiisa nila sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Neil F. Fopalan katuwang ang Bureau of Fire Protection at ang Philippine National Police.

Ito ang unang beses na nakiisa ang mga bata sa NSED 2022 matapos magsibalikan sa mga paaralan ngayong may face to face classes na.

Layunin ng aktibidad na ito na maturuan ang mga estudyante at mga guro ng paaralan sa mga dapat gawin kung sakaling may tumamang malakas na lindol sa kanilang lugar.

Mahalaga umano ito upang maipaalala at bigyang-diin sa mga estudyante ang kahandaan sa lindol lalong-lalo na't mahigit dalawang taon nahinto ang NSED sa mga paaralan dulot ng pandemya. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch