No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LGU Calabanga at BFP, nagsagawa ng Fire-fighting Olympics 2022

LUNGSOD NG NAGA, Camarines Sur (PIA) -- Limang piling barangay sa Bayan ng Calabanga, Camarines Sur ang nagpasiklaban sa isinagawang 1st Mayor Eugene Norman B. Severo Community Fire Auxiliary Group (CFAG) Firefigting Olympics 2022 na pinangunahan ng  lokal na pamahalaan ng Calabanga, Camarines Sur sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection (BFP) - Calabanga  Fire Station.

Ginanap ang naturang kompetisyon nitong nakaraang Martes, September 6, sa kahabaan ng San Antonio, Poblacion, bayan ng Calabanga, Camarines Sur. Kasabay ito ng pag diriwang ng ika- 273 na kapyestahan ng patron ng naturang bayan.

Ayon kay SF03 Mario Reburiano Jr, Chief Fire Safety Enforcement, ito ang kauna-unahang Fire-fighting Olympincs na ginawa sa Camarines Sur.

(Photo credits: MDRRMO Calabanga)

Ilan sa mga nilahukang kumpetisyon ng mga CFAGs ay ang pabilisan sa pagkilos, paglalatag ng dalang fire hose, pag akyat at pagbaba sa hagdan at tamang pagpapabuga ng tubig.

Layunin ng nasabing aktibidad na mas lalong maging handa ang mga barangay sa sunog at makakatuwang ang mga barangay sa kung ano ang dapat nilang gawin sa panahon ng sakuna dahil sa mga natutuhan nilang mga kaalaman at kakayahan sa Fire-fighting Olympics.

Personal naman itong dinaluhan ni Mayor Severo kasama si  Councilor Roque Orlin bilang Chairman ng Peace & Order and Public Safety at SFO4 Joeffrey M Baracena, Officer-in-Charge ng  BFP Calabanga. (Ulat mula kay Alvin Carinan, PIA5/Camarines Sur) 

About the Author

Ana-liza Macatangay

Assistant Regional Head

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch