Tagalog translation:
Kabilang ang CAR sa may pinakamababang poverty incidence noong 2021
BAGUIO CITY (PIA) -- Kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa mga rehiyon na may pinakamababang poverty incidence sa mga pamilya batay sa 2021 Full Year Official Poverty Statistics.
Sa preliminary results ng Family Income and Expenditure Survey (FIES) na isinagawa noong nakaraang taon, nakasaad na naitala ang malaking pagbaba ng poverty incidence sa Cordillera kabilang na ang Region XI at ARMM/BARMM.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tinatayang aabot sa 6.9% ang poverty incidence sa rehiyong noong 2021 mula sa 8.6% noong 2018 at 17.1% noong 2015.
Kabilang ang Benguet sa mga lalawigan may least poverty incidence sa mga pamilya sa 2015, 2018, at 2021 data. Ang mga napabilang naman sa least poor cluster noong 2021 ay ang Apayao (4.7% mula sa 16% noong 2018), Ifugao (6% mula sa 9.9% noong 2018), Kalinga (5.6% mula sa 9.2% noong 2018), at pitong iba pang probinsiya.
Bumaba rin ang poverty incidence sa lungsod ng Baguio na umaabot sa 1% mula 1.5% noong 2018.
Samantala, ang 2021 Annual Per Capita Poverty Threshold ng Cordillera ay tumaas sa P28,304 mula sa P24,907 noong 2018. Ibig sabihin, tinatayang P11,793 ang kailangan ng isang five-member na pamilya upang matustusan ang buwanang pangangailangan ng mga ito.
Ang Mountain Province ang may pinakamataas na annual per capita poverty threshold na umaabot sa P31,063 mula sa P27,815 noong 2018 na sinundan ng Abra na P29,321 mula sa P23,596 noong 2018, at Ifugao na P28,734 mula sa P26,429 noong 2018.
Ang poverty threshold ay ang minimum income na kailangan para sa basic food at non-food need ng isang pamilya. Noong 2021, tinatayang P12,030 ang national poverty threshold o ang kailangan para sa basic food and non-food needs ng isang pamilya na may limang miyembro para sa isang buwan.
Samantala, ang average family income na kailangan para sa minimum basic food needs ng five-member family ay P8,379 bawat buwan. (JDP/DEG-PIA CAR)