No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DENR, LGU Buug, namahagi ng 1000 punla sa ‘pagbuhay ng kalikasan’

IPIL, Zamboanga Sibugay, Sept. 20 (PIA) -- Nagsanib-puwersa ang LGU-Buug at ang Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO)-Imelda sa pangunguna sa “tree-planting” na aktibidad na ginanap kamakailan.

Ang aktibidad na may temang “Buhayin ang Pangangalaga sa Kalikasan” ay naglalayong itaas ang kamalayan sa komunidad ng kahalagahan ng pagtatanim at pag iingat sa mga puno, itaguyod ang konserbasyon ng ating mga mapagkukunan ng puno at upang mabawasan ang mga epekto ng pagbabago ng klima.

Ayon kay Pilarito Montebon, DENR-CENRO nasa may kabuuang 256 na punla ang naipamahagi ng LGU Buug, kasama ang 30 White Lauan (Shorea Contorta), 30 Rattan (Calamus Merrillii) at 196 Bakan (Litsea Philippinesis).

Nasa pitumpu’t apat na indibidwal mula sa ahensya ng DENR,  Department of Agriculture (DA), LGU-Buug at CENRO-Imelda ang nakilahok at nagtanim ng mga punla sa Agutayan, Buug.

Namahagi rin ang LGU-Buug at CENRO-Imelda ng kabuuang 600 Mahogany (Swietenia Macrophylla) seedlings sa munisipyo ng Payao at Talusan, samantalang nakatanggap naman ng mahigit-kumulang 300 na punla ng Bakan (Litsea Philippinesis) at Mangium (Acacia Mangium) ang munisipyo ng Diplahan (RVC/JPA/APE- Zamboanga Sibugay).
 

About the Author

Jocelyn Alvarez

Writer

Region 9

Information Center Manager of Zamboanga Sibugay Province

Feedback / Comment

Get in touch